Tuesday, August 23, 2011

SANA

Sa aking pag-iisa, ikaw ang naaalala
maging sa pagtulog, mukha mo ang nakikita.
Masaya akong kasama ka
pagkat ako'y iyong napapa-ligaya.

Hindi ko man masabi ng harapan,
sa kilos ko'y iyong mararamdaman
na sa aking puso'y ikaw ang laman,
at kaylanma'y hindi malilimutan.

Mga ala-alang tayo'y magkasama,
sa lungkot man o sa ligaya
dito sa puso ko'y hindi ka mawawala
pagkat aminin ko man o hindi ika'y mahalaga.

Tanging hiling ko lamang sinta,
na sana'y hindi na matapos pa
mga sandaling ikaw lang ang kasama,
babaunin sa puso ang bawat ala-ala.